Toro

ISANG turistang kano ang pumasok sa isang resturan sa isang lugar sa Espanya. Habang hinihintay niya ang kanyang inorder, hindi pinaligtas ng kanyang sensitibong pang-amoy ang inorder ng kanyang katabi. Parang napakasarap nito maging sa anyo pa lang. Sabi niya sa waiter nang bumalik ito: ano ang ibinigay mo sa kanya? Ah, señor, sagot ng nangingiting waiter, meron katalagang ekselenteng pang-amoy! Bull iyon ng toro na natalo kanina! Masarap talagang putahe! Dahil turista, naengganyo agad ang kano at sabi: bigyan mo ako ngayon din, dali! Pero sabi ng waiter: pasensiya na kayo señor, isang serbing lang iyon sa isang araw. Isang beses lang kasi ang laban tuwing umaga. Kung gusto ninyo, balik na lang kayo bukas at irereserba ko na ang masarap na putahe para sa inyo. At kinaumagahan nga, bumalik ang kano at inorder ang nag-iisang espesyal na putahe sa araw na iyon. Pagkatapos ng ilang kagat, may napansin siya sa kanyang inorder at agad niyang tinawag ang waiter at sabi: talagang masarap, pero bakit parang maliliit kesa don sa ibinigay mo kahapon? Sagot ng waiter: si señor. Kung minsan kasi, mananalo naman ang toro!

What do you think ?

Related