MGA SARI SARING TANONG AT SAGOT

T: Bakit ang aso itinataas ang paa sa gilid ng bakod kapag umiihi.
S: Kasi baka matumba ang bakod tinutukuran nya lang para safe siya.

T: Bakit ang manok tumitingala kapag umiinom ng tubig.
S: Nagdadasal sila sabi niya Dios ko kailan ba ako iihi.

T: Ano ang masarap sa itlog?
S: Kamutin

T: Ano ang masarap sa manok?
S: Palay

T: Anong isda ang lalaki pa sa dagat?
S: Maliliit na isda.

T: Bakit binubuksan ang bintana sa umaga?
S: Kasi nakasara!

T: Kapag nangitlog ang tandang sa bubong saan mahuhulog ang itlog?
S: Nangingitlog ba ang tandang?

T: Ano ang hindi kinakain sa balot maliban sa balat.
S: Sabaw kasi iniinom yon.

T: Anong tinapay ang hindi kinakain ang gitna.
S: Donut kasi butas ang gitna nito.

T: What is Computer?
S: It came from the latin word “Compu” meaning “ter”.

T: Ano sa Spanish ang mani?
S: Hindi ko alam! sa Latin alam ko. Sasalatin daw ohhhhh…!

T: Ano sa Spanish ulit ang mani?
S: Nasa dulo ng dila ko kagabi eh hindi ko matandaan! (Kinakain niya pala.)

T: Ano ang malaki buwan o araw?
S: Buwan dahil may 31 days sa isang buwan.

T: Ano ba ang buwan bilog o oblong?
S: Pasensiya ka na amang hindi ako taga rito eh.

T: Ilan ang dwarf ni Cinderella?
S: Tanga si snowhite ang may dwarf.

T: Ano sa tagalog ang papaya?
S: Papa Yeah, oo papa
T: Ano sa tagalog ang banana?
S: Saging

T: Ano sa tagalog ang calculator?
S: Talapindutan ng numero.
T: Ano sa tagalog ang Typewriter
S: Talapindutan ng letra….mali MAKINILYA!!.

T: Paano malalaman kung may tanga sa sabungero?
S: Kapag may nagdala ng bibe.
T: Paano malalaman kung may tanga sa sabungan?
S: Kapag pumusta sa bibe.
T: Paano malalaman kung may sindekato sa sabungan?
S: Kapag nanalo ang bibe.

Hanggang dito na lang muna dahil sumasakit na ang tawa ko katitiyan, just call me LONG for short.

What do you think ?

Related