15 Pesos

Baka naman pwede nyo akong tulungan sa simple Arithmetic problem ko……. Actually, naipadala ko na din ito noon sa Dyoks room pero hanggang ngayon di ko pa din ma-solve ang problema ko. Sabi nga ng pinsan ko na 9 years old..simple lang daw… Ganito pho yon…

Tatlong magkakaibigan ang nag-agree kumain sa labas at nag-contribute sila ng tig 5 pesos ang bawat isa..

OK..magkano ang budget nila ????… Syempre 3 x 5 = 15 pesos… galing galing ko ano?

Pagkatapos kumain..ibinigay nang waiter ang bill/chit nila…EXACTLY 15 PESOS..kaya nagbigay ang bawat isa ng tig 5 pesos… ok yon di ba..?? Galing galing ko talaga. Teka may problema yata.

Dahil pagkabigay ng 15 pesos sa Cashier, napansin ng Cashier na mali ang kwenta or addition ni pobreng waiter sa chit.

Mr. Waiter…grabe ka naman..mali ang kwenta mo sa chit ng tatlong mga suki natin…dapat 10 pesos lang…kaya..heto ang 5 pesos isauli mo sa kanila.

Yes Maaaaaammm sabi ni pobreng waiter…nang papunta na ang pobreng waiter sa tatlo para isauli ang 5 pesos.. may problema na naman…papaano daw nya i-divide ang 5 pesos sa tatlo ???? Aba..magaling din palang kagaya ko ang waiter…OO nga naman….

Dahil magaling din ang waiter kagaya ko…nag decide siya bigyan nalang ng tig piso ang bawat isa sa tatlong pogi at IBUBULSA NALANG NIYA ANG 2 PESOS. Galing ano???? Wise siya ano? Yon na nga ang ginawa…!!!!

Heto ang problema… Magkano ba ang ibinawad ng bawat isa sa tatlo noong umpisa ??? …. 5 pesos daw..Tamaaaaaa…

Kung halimbawa ikaw ay nagbayad ng 5 pesos at sinuklian ka ng piso…BALE MAGKANO NALANG ANG IBINAYAD NG MO??

Ka simpleng tanong…E DI 5 minus 1 = 4..APAT..FOUR

OO nga naman!!!

Kung ganoon magkano bali ang total na ibinayad noong tatlong pogi.?????? E di tatlo sila sa tig-4 bawat isa or 4 x 3 = 12 pesos… Tamaaaaaaaaaaaaaaaaa…. peanut at walang kwentang tanong…

OK..12 pesos ang ibinayad noong tatlo…e kung isama mo ang 2 pesos na ibinulsa noong waiter… 12 + 2 = ?????

Grabe naman… 12+ 2 = 14..ka simple answeran

Teka…MAGKANO NGA PALA ANG PERA NANG TATLONG POGI NOONG UMPISA ANG KUENTO KO?????

E DI 15 DAHIL tig 5 pesos sila…. OO nga pala.

Teka… NAGKUKULANG YATA ANG PERA…NASAAN ANG PISO????????????????????????????? @#$%^&*()??>

What do you think ?

Related