Nanawagan

Sa isang radio station…
NANAWAGAN: Kung sino man ang nakahuli sa aking asong puti,kung maaari lang po ay dalhin ninyo sa himpilang ito at may pabuya po akong ibibigay.
ANNOUNCER: Siguro misis mahal na mahal ninyo ang aso ninyo, ano?
NANAWAGAN:Talaga ho.Mahal na mahal ko ang asong iyon.
ANNOUNCER:Wala na ba kayong iba pang sasabihin?
NANAWAGAN:Syanga pala, kung nakikinig ka ngayon Douglas sana umuwi ka na.Maraming salamat ho.
ANNOUNCER:Asawa ninyo ba si Douglas misis?
NANAWAGAN: Hindi, ’yon ang pangalan ng asong hinahanap ko.

What do you think ?

Related