Erap’s second chance in life

Sa lakas ng Ulan bumaha ang lugar na tinitirhan ni erap…
Sa taas ng tubig napilitang umakyat sa bubong si Erap at duon nagdasal sa diyos…
Erap: Lord pls naman iligtas mo ako, kung bibigyan mo ako ng second chance ay magbabago na po ako. Hindi na ako gagawa ng anumang katarantaduha.
…Tinugon ng Diyos ang kanyang panalangin at may dumating na helicopter na may sakay na mga sundalo at iniligtas si Erap…
…Sa tuwa ni Erap tinanong ang batang sundalong nagligtas sa kanya kung paano niya mababayaran ang utang na loob niya… tinanggihan siya ng bata…
Erap: kahit ano magsabi kalang ibibigay ko
Sundalo: okay lang po yon trabaho lang naman po ang ginawa ko
Erap: hindi niligtas mo buhay ko ano ang gusto mo?
Tinanggihan siya ng Sundalo…
Sa pag pupumilit ni Erap napilitan ang bata na humingi ng Wheelchair.
Erap: bakit lumpo ba ang tatay mo?
Sundalo: hindi po
Erap: ang nanay mo?
Sundalo: hindi rin po
Erap: wala naman palang lumpo sa inyo e bat ka nahingi ng Wheelchair?
Sundalo: kasi po pag nalaman ng tatay ko na niligtas ko kayo, LULUMPUHIN nya ako….

What do you think ?

Related