nauuhaw

isang pilipino ang tumakas sa amo niya sa saudi nagtago siya sa disyerto hangang nakaramdam ng matinding uhaw ngunit nagtataka siya dahil lahat ng makita niyang tindahan eh kurbata lang ang tinitinda tapos nakakasalubong niya eh mga nakakurbata.
tanong siya sa nakasalubong niya na nakakurbata, sir saan ho ba ako pwedeng makainom ng tubig dito
sagot nung isa sabay turo ng kamay, doon sa una unahan,
nangiti pa siya kasi inisip niya ang tanga tanga naman noon nasa disyeto na eh nakakurbata pa rin
lakad na naman siya tapos lahat ng tindahan na tinanongan niya kurbata lang tinitinda sabi niya sa sarili, paano kaya kumukita itong mga ito sinong bibili ng kurbata sa disyerto ang ta tanga talaga ng mga tao dito
hanggang pang apat na araw na siyang naglalakad halos mamatay na siya sa uhaw, may nasalubong siya nakakurbata na naman tinanong niya ulit, saan ho ba pwedeng makainom ng tubig dito mamatay na ako sa uhaw parang awa niyo na, tapos sabi nong mama diyan lang sa unaunahan , salamat po, sabi niya, hangang nakita niya isang oasis sa gitna ng disyerto may water fountain pa sa loob tuwang tuwa siya halos magkandarapa siya sa pagtakbo papunta sa lugar na iyon pagdating niya sa pinto bigla siyang hinarang ng bouncer sabay sabi sa kanya, bawal pumasok ang walang kurbata dito ngheeeee.

What do you think ?

Related