Taba at Payat

Dalawang magkaibigan, si tabatsoy at si palito, ang nag-inuman sa bar ng isang hotel.
Sa sobrang kalasingan nila ay naisip nilang hindi na nila kayang umuwi at naisip nilang doon sa hotel na lang sila magpalipas ng gabi. Lumapit sila sa information clerk.

TABATSOY: miss, bigyan mo nga kami ng tig-isang kwarto.

CLERK: sorry sir, pero isang kwarto na lang ang available. pero may dalawang single beds po doon.

PALITO: sige, kukunin na namin yon. tutal tig-isang kama naman kami.

Pagpasok ng magkaibigan sa kwarto, sa kalasingan nila ay sa isang kama sila humiga.

TABATSOY: pare, naloko ako nung clerk. may katabi ako dito sa kama ko.

PALITO: pare, ako rin may katabi ako dito sa kama ko.

TABATSOY: pare, ganito ang gawin natin, itulak natin ang mga katabi natin.

PALITO: sige.

Nagtulakan na nga ang magkaibigan sa pag-aakalang iba ang tinutulak nila. dahil sa payat si palito, sya ang nahulog.

PALITO: pare, minalas ako. ako ang naihulog ng katabi ko.

TABATSOY: swerte ko naman pare, naihulog ko naman ang katabi ko. halika, tumabi ka na lang dito sakin.

PALITO: sige. salamat, pre.

What do you think ?

Related