Si LOLO!

may isang palaboy na gutom na gutom at wala pa rin siyang makain at may nakita siyang isang matanda na ugod-ugod na at gustong niyang humingi ng pera para may makain!

hindi niya alam na ang matanda ay mahina na ang pandinig at malabo na ang matanda!

Batang palaboy: Lolo palimos mo!
LOLO: ano sabi pulbos?
Batang palaboy: sabi ko ho palimos!
LOLO: ah pulbos! bakit gusto mo naman ng pulbos?
Batang palaboy: hindi po pulbos! ay tanga pala kayo lolo!
LOLO: ano sabi mo lobo na malaking ang tenga?
Batang palaboy: hindi po sabi ko tanga po kayo!
LOLO: ah dyan lang ako sa may kanto!
Batang palaboy: hindi ko po tinatanong kung taga saan kayo! bigyan niyo na lang po ako ng palimos dahil po ako ay batang palaboy!
LOLO: ay Diyos ko! kay bata mo pa ay playboy ka na at humihingi ka pa ng pulbos sa akin!

What do you think ?

Related