pedro

isang araw si pedro ay may homework…
tinanong niya ang kanyang kuya na nagbabasa ng komiks para sa sagot sa number 1.
pedro: kuya! kuya! anong sagot sa number 1??
kuya: hey shut up!!

isinulat ni pedro ang sinabi ng kuya niya sa number 1..

para naman sa number 2, tinanong niya ang ate niya na nagpapractice kumanta.
pedro: ate! ate! anong sagot sa number 2?
ate: dahil mahal kita…

isinulat ulit ni pedro ang sagot ng kanyang ate para sa number 2..

tinanong naman niya ang yaya niya na naglilinis ng banyo para sa sagot sa number 3.
pedro: yaya! yaya! anong sagot sa number 3?
yaya: doon sa kubeta! doon sa kubeta!

akala ni pedro na yun ang sagot kaya isinulat niya ito ulit para sa number 3.

tinanong naman niya ang kanyang nanay na nagbibilang ng pera para sa sagot sa number 4.
pedro: nay! nay! ano po ang sagot sa number 4?
nanay: 1,2,3,4

isinulat ulit ni pedro..

para naman sa huling tanong, tinanong niya ang tatay niya na paalis na ng bahay.
pedro: tay! tay! ano po ang sagot sa number 5?
tatay: "i shall return"

kinabukasan sa eskwelahan…

tinanong ng titser si pedro..

titser: ginawa mo ba ang homework mo?
pedro: opo mam
titser: anong sagot sa number 1?
pedro: hey shut up!!
titser: bakit mo sinasabi yan?
pedro: dahil mahal kita..
titser: saan mo natutunan yan?
pedro: doon sa kubeta! doon sa kubeta!
titser: suspendido ka ng apat na araw..
pedro: 1,2,3,4
titser: umalis ka na sa paaralan na ito!
pedro: i shall return..

What do you think ?

Related