c pedro c diego at c juan

sakay ng barko papuntang Puerto Galera ang tatlong magkakaibigan..sa kasamaang palad nasira at lumubog ang barkong sinasakyan nila pero masuwerte pa rin dahil nakaligtas ang tatlo at kasalukuyang lulutang lutang habang nakakapit sa isang troso.
Nakakadalawang araw na sila sa ganung kundisyon..lulubog lilitaw lulutang lutang…nang sa ikatlong araw may nakita silang isang bote na lulutang lutang din,agad na kinuha ni pedro ang bote at binuksan
….nang biglang umusok at may lumutaw na genie at nagsabing "maraming salamat pinalaya nyo ako" bilang ganti bibigyan ko kayo ng tig iisang kahilingan na agad matutupad….ako muna ang sabi ni pedro..gusto ko ng umuwi hinihintay nako mag-iina ko..sa isang kisap mata naglaho si pedro at nakabalik sa kanyang pamilya..ako naman ang sabi ni diego..tyak na hinahanap nako ng syota ko..alisin mo ako dito ngayon din at sa isang kisap mata naglaho si diego at nakapiling ng kanyang mahal…ngayon ikaw naman juan ang sabi ng genie… si juan na lulutang lutang at nangangatog sa lamig ay di malaman ang hihilingin….nag-isip at nagsabi na ..mahal kong genie gumagabi na at natatakot akong mag-isa…kung puede ibalik mo dito yung dalawa..at sa isang kisap mata…..tatlo na uli silang lulutang lutang

What do you think ?

Related