shOoteR

Si Juan ay nagpunta sa probinsya upang mag-hunting.

Papunta sila sa kagubatan ng kanyang guide at panay ang pagyayabang na siya raw ay asintado at wala pa raw siyang ti-narget na di tinamaan.

Pagdating sa kagubatan, agad siyang nakakita ng baboy damo, inasinta. . . binaril . . . sablay.

Ang guide nagkakamot ng ulo, "Akala ko po talaga kayong asintado."

"Asintado ako talaga, nagkaroon lang ng puwing ang mata ko kaya ako sumablay.

Para patunayan ko sa iyo, babarilin ko iyong mga ibon na lumilipad na nakapikit."

Ang guide nagdududa, "nakapikit at mapapalagpak nyo?"

"Oo, manood ka," Pumikit si Juan na inumang at pinaputok ang baril, ng magmulat siya ng mata hinanap niya ang ibon sa lupa.

"Aba, pambihira pala ang mga ibon dito sa inyo, may tama na eh nakakalipad pa rin."

smile….add neo ulit meh….

mystic_love_03@yahoo.com

What do you think ?

Related