tanga masyado

ay! napahiya… =p

Biglang umulan ng malakas habang naglalakad
si Alfred kaya’t nakisilong muna sya sa
isang bahay. "Amang, mukhang gutom na
gutom ho kayo, bakit di ho muna kayo
kumain ng niluto kong kamote", sabi kay
alfred ng tinuluyan. Ayun nga, lumamon
sya ng lumamon. *burp* , tunog nya.
"Ito at tumila na ang ulan, maraming
salamat sa lahat." sabi ni Alfred.
Malapit na sya ng bahay ng kanyang matanaw
ang kanyang misis. "Honey, bakit ngayon
ka lang?, eh hindi na nga bale, halika
at meron akong surprise sa ‘yo". Nilagyan
ni misis ng blinfold si Alfred. "Hwag na
hwag kang sisilip kahit anong mangyari,
kungdi ay lagot ka sa akin!" Pumasok na
silang dalawa sa loob at sinarado na ang
pinto ng biglang nag-ring ang telepono.
"O Honey, wait lang muna ha, sagutin ko
tong phone, remember, hwag sisilip!"
Naiwan na si Alfred pero biglang sumakit
ang kanyang tyan, siguro ito ay dahil sa
paglamon nya ng kamote. tinaas nya ang
kanyang paa at doon nilabas ang masamang
hangin, prrtttt….kasing amoy ng bagok na
itlog. Pinaypayan nya ito para hindi maamoy
ng kangyang misis. bratat tat tat tat tat tat….nautot na naman sya, kaya sige paypay
na naman. sige lang at utot sya ng utot
dahil di nya mapigilan. "bye" rinig nya
galing sa boses ng kanyang misis, so
pinigilan na nya ang pag-uutot. "hindi
ka ba sumilip???" sambit ni misis.
"hindi ah!, hinding hindi". "okay then,
mabuti naman" (si misis uli). "Buksan mo
na ang blindfold mo"
binuksan na nya, at nandoon nakabulagta
ang sampung bisitang nakaupo sa paligid nya. "SURPRISE!!!!" sabi ni misis.

What do you think ?

Related