usapang baboy

Biik : Inay nasaan po ang tatay?
Inahin : Wala na siya. Pinatay na.
Biik : Bakit po? Wala naman siyang
ginagawang masama.
Inahin : Hindi na kasi siya
makapagbigay ng maganda semilya
kaya kinarne na lang siya.
Biik : Ganun lang po ba halaga ng
buhay n’ya? Hindi po ba nila naisip
ang mga naitulong n’ya?
Inahin : Hindi anak. Sila ang
nagdidikta ng ating kapalaran.
Biik : Hindi po ba natin pwedeng
baguhin? Para po kasing masayang
magsaka ng bukid tulad nung
ginagawa ni Toteng kalabaw.
Inahin : (umiling) Makinig ka anak.
Noong bata ako gusto kong gayahin
ang mga paru-paro. Gusto kong
dumapo sa hardin, langhapin ang
samyo ng bawat bulaklak pero wala
akong pakpak at lubha akong
mabigat para dumapo. Masisira ang
magandang hardin kaya imposible
ang pangarap ko.
Biik : Ah, ano kaya po kung tumakas
tayo? Labanan natin ang tao kung
kinakailangan.
Inahin : (bahagyang ngumiti) Hindi
na kailangan anak. Masaya na ako
dito at isa pa tanggap ko na ang
kapalaran natin.
Biik : Para san pa po at binuhay nila
tayo e papatayin din naman pala
tayo!
Inahin : Magpasalamat ka na lang
anak. Nakita mo ang ganda na
mundo. Kita mo yung anak ng
kapitbahay natin? Patay na agad siya
noong ipinanganak. Hindi man lang
niya nakita ang ganda ng paligid.
Biik : Kawawa nga siya inay. Inay,
gutom na ako. Bakit wala pa tayong
pagkain?
Inahin : Hikahos kasi ang taga
pangalaga natin.
Biik : Hikahos na pala tapos pinarami
pa nila yung nasa kabila. Dapat
naging praktikal sila.
Inahin : Anak, halika ka. (tumabi ang
biik at naghintay sa sasabihin ng
ina). Noong ipinagbuntis kita gusto
na tatay mo na huwag ka ng
buhayin dahil magastos. Gusto niya
maging praktikal. Pero sinabi ko
patayin na lang niya ang kuya mo
kesa ipaabort ka. Nagalit siya, ano
daw pag-isip ang mayroon ako.
Pero ipinaliwanag ko na mas
magastos ang kuya mo kasi mas
malakas kumain at maraming
kailangang vitamins kaya siya na
lang ang patayin. Natauhan siya
kaya di natuloy ang abortion. Eto ka
ngayon, buhay na buhay.
Biik : Salamat inay ipinaglaban mo
ako. (naluluha)
Inahin : Matulog ka muna anak. Baka
mamaya may pagkain na tayo.
Sinunod ng biik ang sinabi ng ina sa
pag-asang may pagkain na sa
paggising niya. Sa muli niyang
pagmulat…
Biik : Inaaayy!! (pig cries)
ang ndi 2mawa panget.. panget kb?

What do you think ?

Related