KABAYARAN

KABAYARAN

Isang sampung gulang na batang lalaki na palaboy laboy sa lansangan ang kumatok sa isang tahanan at isang may katamtamang edad na babae ang nagbukas ng pinto.

Batang lalaki: Baka po pwede po ninyo akong bigyan kahit anong konting tira ninyong pagkain dahil po gutom na gutom ako sa kalalakad. Ilang araw na po akong hindi nakakain.

Babae : Sandali lang titingnan ko sa loob at pag labas na ngiting ngiting sinabi na … Heto ang isang basong gatas, inumim mo ito upang mapawi ang gutom mo. Dalhin mo din itong ilang pirasong tinapay para makain mo sa sunod na magutom ka.

Batang lalaki : Pagka inom na dali dali noong isang basong gatas ang nagsabi na, maraming salamat po. Maraming salamat po at pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Lumipas ang mga taon at dinapuan ng isang hindi malamang sakit ang babae na tumanda na kaya dinala siya sa isang hospital para malunasan ang karamadaman. Lahat ng mga sikat na doctor na tumingin sa babae ay nagsabing di nila kaya ang sakit niya at wala silang magagawa.

Isang doctor sa nasabing hospital ang naglakas loob tingnan ang record noong matangdang babae. Bigla nakatawag sa kanyang pansin ang pangalan at address na nakasulat sa record noong matandang babae na tandang tanda pa niya. Noon niya naalala ang matamis na ngiti noong isang babae na nilapitan niya noon sa gutom niya.

Hindi nag-aksaya nang panahon ang nasabing doctor at agad-agad niyang pinuntahan sa ICU nang hospital kung saan nandoon ang nasabing matandang babae. Pagkita sa mukha noong matandang babae na nakapikit at wala na halos malay…parang kitang kita niyang dumilat at isang matamis na ngiti ang sumalubong sa doctor. Tiniyak nang nasabing doctor na siya nga yong babaeng nagbigay sa kanya ng isang basong gatas noon

Kusang loob na nanaliksik ang doctor, araw-gabi, walang tigil upang matulungan ang matandang babae dahil wala na ibang doctor ang pumayag na gamutin siya.

Lumipas ang mga araw, gamanda ang lagay nang matandang babae hanggang sa tuluyang gumaling na ipinagtaka ng lahat ng mga ibang doctor sa hospital.

Dumating ang araw upang paumuwiin na ang matandang babae. Dahil solo na siya sa buhay at walang inaasahan, naguluhan siya kung papapaano niya mababayaran ang gastos niya sa hospital na siguradong sobra sa laki. Kahit ipagbili pa konting niyang ari-arian ay kulang na kulang pa din.

Noong araw na yon, ipinadala sa nasabing doctor ang hospital bill noong matandang babae sa kanyang opisina para tingnan at ilagay ang kanyang mga professional fees at iba pang dapat bayaran bago ibigay sa matandang babae.
Pagkatapos, inihatid sa silid nang matandang babae ang hospital bill. Laking gulat niya sa laki ang gastos na dapat niyang bayaran at napansin niya ang nakasulat sa banding ilalim ng bill na nagsasabing:

“PAID IN FULL WITH A GLASS OF MILK”

Signed : Doctor Robert Mendoza

Tumulo ang luha noong matandang babae at noon niya naalala ang isang batang lalaki binigyan niya nang isang basong gatas noon na siya palang gumamot sa kanya kaya bigla niya nasabi…DAKILA KA PANGINOON.

Noong palabas na ang matandang babae sa hospital, may napansin siyang isang lalaki na naka suot pang doctor sa banding hindi kalayuhan ang kumakaway sa kanya… na lumuluha din at nagsabing….DAKILA KA PANGINOON.

Sana marami pang mga tao na may puso ang magbibigay ng isang basong gatas sa mga nagugutom.

Maligayang Pasko po sa lahat.

What do you think ?

Related