Ano nga ba yang 15 Pesos na YAN???

Matagal nang pinag-aawayan ang lintek na 15 Pesos na yaN. Iba-iba ang sinasabi, isinagot…may nagmumura pa… wALANG PIKUNAN PLZ….bweno…ganito daw yon:

Mayroon daw tatlong magkakaibigan…Araw ng sweldo.. Napagkasunduan nila dumaan muna sila sa isang restaurant para kumain at kontinG inom bago umuwi.

Nagkasundo sila magcontribute ng tig 5 PESOS..so..magkano ang budget nila???… e di 5 x 3 = 15 PESOS… Tama..correct…wasto…Tandaan natin yang 15 pesos na yan.

Pagkatapos ng ilang oras..sabi ng isa..mga adre..uwi na tayo…gabi na…baka magulpi tayo sa mga kumander natin.. OK sagot ng dalawa…

WAITER sabi ng isa…CHIT namin please…

Iniabot ng Waiter ang Chit nila…exactong 15 PESOS ang total na naka sulat doon… kaya syempre..nag ambag ng tig 5 PESOS ang bawat isa.

Syempre pa..takbo si Waiter sa Cashier para ibigay ang 15 pesos…pero may napansin ang Cashier…

Mr. Waiter..mali ang computations mo sa chit ng tatlong suki natin. 10 PESOS lang ang chit nila at hindi 15 PESOS…Nakakahiya sa mga suki natin…HETO ANG 5 PESOS isauli mo sa kanila..

Sorry Maam sabi ng waiter..ok isasauli ko ang 5 pesos sa tatlo.

Nang palapit na si Waiter sa tatlo, naisip niya mahirap i-divide ang 5 pesos sa tatlo (5 divided by 3…aba mahirap nga)…kaya…nag decide siya…BIBIGYAN NALANG NIYA NG TIG PISO ANG BAWAT ISA SA TATLO AT IBUBULSA NALANG NIYA ANG 2 PESOS…

Aba..OK din…may utak din si Waiter dahil solved na ang problema niya may 2 pesos pa siya.

So.. yon nga..binigyan niya ng tig PISO ang bawat isa sa tatlo…at nag sorry sa pagkakamali niya.

Heto ngayon ang tanong….

Magkano ang ibinayad or iniambag ng bawat isa sa umpisa??? (Answer : 5 PESOS… OK..TAMA..)

Dahil binigyan or sinuklian ng waiter ng TIG PISO ang bawat isa sa tatlo…bale magkano nalang ang IBINAYAD NG BAWAT ISA???

Kasimpleng tanong… e di… 5 minus 1 = 4 Pesos… Tamaaaaaa….

So..magkano ang total ng ibinayad ng tatlo… easy… e di…. 4 PESOS x 3 dahil tatlo sila = 12 PESOS…. OK ..tama..

E kung idagdag natin ang 2 PESOS na ibinulsa ni Waiter… e di…12 + 2 = 14 PESOS…

TEKA..TEKA… magkano ba ang dating PERA???

Tatlo sila..nag ambag ng tig 5 pesos sa umpisa… x 3 = 15 PESOS…

Aba…aba…teka… NASAAN ANG PISO???????

Yan ang problema sa 15 Pesos….

What do you think ?

Related