Dapat Gawin

Paengkang-engkang ang lakad ni Tikboy. Sinamahan siya ng kaibigan na magpunta sa school doctor. Walang pasyente ang doktor, kung kaya’t agad siyang inasikaso. Pinaupo. Tiningnan ang blood pressure at tibok ng puso. Pamaya-maya, nagtanong ang doktor.

DOKTOR: Ano ba hijo ang nararamdaman mo?
TIKBOY: Dok, sa tingin at pakiramdam ko ay mayroong tubig ang aking tuhod. Ano po ang dapat kong gawin?
DOKTOR: Aba’y bumili ka ng bota ngayon din!

What do you think ?

Related