Pap Smear

Eksena sa isang sikat na ospital sa Maynila:

"Ano pong nararamdaman ninyo Misis?", tanong ni Doktora.

"Doktora, tuwing nagtatalik po kami ng Mister ko, mayroon po akong nararamdaman na masakit sa ano ko.", sagot naman ni misis.

"O sige ipa-pap smear kita. Ganito ang gagawin mo ha … pumuwesto ka na para kayong magtatalik nang mister mo at mayroon akong ipapasok na instrumento sa ano mo .. OK? " , ang utos ni doktora.

Tumango naman si Misis. Tumayo siya, lumapit sa pinakamalapit na dingding at tinungkod yung mga kamay sa pader … sabay usli sa puwet. "Nakaposisyon na po ako, doktora!"

"Misis, ano pong ginagawa ninyo?!", pagtataka ni Doc.

"E sabi ninyo pumuwesto ako na parang nakikipagtalik sa Mister ko, e ganito po kami magtalik eh!"

What do you think ?

Related