signs you are in office hell

SIGNS YOU ARE IN OFFICE HELL

Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.

Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang
morning greeting niya with a smile ay…"Welcome to hell.."

Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee
Relations Officer ay si Odette Khan at ang HR Staffing
head ay si Dexter Doria…At pag pumasok ka na walang
ID o hindi naka-uniform…kakaladkarin ka nila sa
buhok palabas ng opisina pagkatapos kang

pagsasampalin. Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis…cge…magreklamo ka na maliit ang sueldo mo…cgeeeeeeeeeeeeeeeeee…I dare you!!!! Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo na si Cristy Fermin ang nagbibigay ng official company statement…at ang simula nang kanyang presscon ay…"Galing ito sa isang reliable source at itataya ko ang buhay at karangalan ko dito…wala akong libel case na inuurungan…"

Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?

Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno…walang
tulugan!

Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang
assistant niya ay si Wengweng…paminsan minsan ay
tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring bilang
consultant.

Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal
sa loob para iabot ang file na hinahanap mo.

Nung huling company anniversary ay sumayaw ka ng
nakadamit babae at sumayaw sa tugtog na "ang ganda
ko…feel na feel ang long hair ko…" kinabukasan
dumating si Robin Padilla para itanong sa yo kung
niloloko mo ang kapatid niya…
Messenger niyo si Kuya Cesar.

Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing me
problema ka ang tanong niya ay…"Mag-usap tayo
kaibigan…kung nasa harap ka ng salamin ano ang
sasabihin mo sa iyong sarili?"

Si Love Añover ang voice behind your automated phone
system. "Mga katsokaran…ip you chuva da number eklavu…dependots 1…ips not…luz valdez…charing!"

Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo
Brothers…bigla silang darating sa opisina mo at
sasabihin "Hephephep…nag-uuwi ka ng bond
paper…*********** to ah…manggagantsong butete
ka!!!" At pag tumanggi ka…ipapanood nila sa yo ang
hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2 pirasong
bond paper mula sa printer…habang pinoposasan ka ng
mga pulis.

Nung Halloween party niyo ang costume mo ay
Lizardo…at dun mo rin first time na-meet ang anak ng
may-ari na ang pangalan ay Tristan…alias Panday.
Next halloween me tribute sa buhay mo na ipapalabas.

Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette
Sembrano at Vicky Morales. Taon taon din ay nanalo ko
ng bananacue at pedicab showcase. At nangangarap ka na
sana next time si Willie naman para me jeepney.

Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual
report niyo…"Mga Igan…nung umabot sa PhP50M ang
ating kinita…kumita tayo ng PhP50M…matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M." Boss mo si Big Brother…at alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang patawarin ka niya.

Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave
siya…OIC niya si Arn-Arn.

At ang number 1 sign na you’re in OFFICE
HELL…department head mo si Mike Enriquez…AT HINDI
NIYA KAYO TATANTANAN!!!!

What do you think ?

Related