Buwaya

May mag inang Buwaya na nasa ilalim ng tulay. Gutom na
gutom na ang anak na buwaya kayat nag sabi ito sa inang
buwaya.

Baby Buwaya: Inay, gutom na gutom na ako. Kakainin ko na ang unang tao na mag dadaan sa tulay na ito.

Nanay Buwaya: sige anak.

Baby Buwaya: (Nang makita ang isa pari na tatawid sa tulay) Inay!!. Inay, kakainin ko na ang isang ito.

Nanay Buwaya: Huwag anak. Mabait iyan. Pari iyan.
Nagtuturo iyan tungkol sa mga pangaral ng Diyos.
Tiisin mo na muna ang gutom mo. Hintayin mo na laang
ang susunod na magdadaan sa tulay.

Baby Buwaya: (Nakita ang isang teacher na patawid sa tulay). Inay!!.. Inay, gutom na ako talaga. Kakainin
ko na ang isang ito.

Nanay Buwaya: Huwag anak. Mabait iyan. Nagtuturo ng
mga bata iyan para maging matalino. Intayin mo na laang ulit ang susunod.

Baby Buwaya: (matapos makita ang isa Pulis na patawid ng tulay). Inay!!!… Inay, gutom na gutom na ako talaga. Hindi ko na palalagpasin ang isang ito. Talagang talagang kakainin ko na ito.

Nanay Buwaya: Anak, Ulol ka ba!!… MAS BUWAYA PA SA ATIN IYANG HAYOP NA IYAN EH, kakainin mo!!!!…..

What do you think ?

Related