Probinsyano sa Taxi

Si Pedro ay inutusang lumuwas ng Maynila ng kanyang ina upang sunduin ang isang kamag-anak.
Ina: Pedro ikaw ay "wag tatanga-tanga sa Maynila. Maraming manloloko doon. Pedro: Inay naman alam nyo namang wais (wise) itong anak n’yo. Di nila ako basta basta maloloko doon.
At lumuwas nga ng Maynila si Pedro. Pagbaba niya ng bus sa terminal, pumara siya ng taxi.
Pedro: Taxiiiiiiii….(tumigil ang taxi). Ahhh mama, sa Caloocan ho tayo… Driver: Okey boss.
Pag-upo ni Pedro sa taxi napansin niya na ang unang patak ng metro ay 20 pesos kaagad… (taka) napaangat sa pagkaka-upo si Pedro. Napatingin siya sa metro ng taxi.
Driver: Ehhh, boss upo kayo baka mangalay kayo diyan.
Pedro: Okey lang (ayaw magpahalatang prondi.)
Habang naka anggat sa pagkakaupo si Pedro napansin niya na piso lang ang patak ng metro. So hanggang makarating sa pupuntahan ganon ang puwesto niya. Tumigil ang taxi.
Driver: Ehh boss, 40 pesos lahat.
Nagbayad si Pedro
Pedro: Uhhhhh buti na lang di ako naloko ng driver. Kung umupo ako ng ayos, malamang ay malaki ang bayaran ko. Naisahan ko siya dun ah…

What do you think ?

Related