DAN BALIKBAYAN

Nang makita ng kano, kanyang kaayusan,
Ito’y nagsabing "Hey man, be cool, man",
Sa sabing ito’y para s’yang hinimatay,
Nanglambot ang tuhod, natuyo ang laway.

"Anak ng pating, talaga yatang buko,
Bakit nila alam pati probinsia ko?
Bakit nalaman nitong ‘merkano,
Na ako’y taga-Bicol, isang Bicolano?"

May dagdag pang sinabi ang malaking mama,
"Are you done/" tanong – isang pag-usisa,
Sa tanong na ito si Dan ay namutla,
Ang pangalan n’ya pala ay alam din yata.

Sa wakas kanya nang pinasiyahan,
Na mabuti pa’y magpahuli na lang,
Nang ma-deport sa Bicol, siya’y nabansaga,
Ang galing sa "Merika – si DAN BALIKBAYAN.

What do you think ?

Related