Ikapitong Bundok

Isang araw si Pedro ay may lolong may sakit. Sabi ni Pedro sa lolo niya,

Pedro: Lolo saan po ba ako makakakita ng gamot niyo.
Lolo: Pumunta ka sa may ikapitong bundok at doon ka kumuha ng gamot.

Pumunta na nga si pedro sa ikapitong bundok na may dala-dalang, pagong, mahabang lubid, isang kawaling dinuguan, bomba at kalapati.
At pagkarating ni pedro sa ikaanim na bundok may nakita siyang isang kapre…

Pedro: puwede mo bang ituro sa akin ang daan papuntang ikapitong bundok?
Kapre: ituturo ko sa iyo sa limang kundisyon, palakihan tayo ng kuto.

Naisip ni pedro na malaki ang kuto ng kapre kaya kinuha niya ang pagong at iyan ang ipinakita niya sa kapre. natalo ang kapre.

Kapre: pahabaan tayo ng buhok

kinuha ni pedro ang mahabang lubid at ipinakita sa kapre at natalo na naman ang kapre.

Kapre: Palakasan tayo ng utot

Tinapon ni pedro anmg bomba niya para akalain lang ng kapre na iyon ang kanyang utot. Natalo nanaman ang kapre.

kapre; palakihan tayu ng tae

ipinakita ni pedro ang isang kawaling dinuguan na inakala ng kapre na iyon ang kanyang tae, kaya natalo nanaman ang kapre

Kapre: palayuan tayo ng mababatu

itinapon ni pedro ang kalapati para lang makita ng kapre na malayo ang kanyang nabato, natalo nanaman ang kapre kaya itinuro na ng kapre ang daan papuntang ikapitong bundok.

What do you think ?

Related