“Bakasyonista”

Nagbakasyon si Pilo sa kanyang pinsan sa Maynila.Minsan namasyal siya sa isang mall.Nang pauwi na siya sumakay siya sa isang bus.Napansin niya na pag may bumababa ay hinihila lang ang lubid at mag riring at titigil na ang bus.Sa isip niya;Ganito pala ang style ng bus dito sa Maynila.Hindi na sisigaw ng para,
hihilahin lang ang lubid at magriring at titigil na.
Masubukan nga.Kaya hinila niya ang lubid at nag ring
at tumigil ang bus.lumingon ang driver ngunit walang bumaba.kaya abante uli ag bus.Sabi ni Pilo:Ang galing ah.Isa pa nga ,subukan ko pa uli.Kaya hinila na naman ang lubid at tumigil na naman ang bus.Lumingon ang driver ngunit walang bumaba.Sa isip ng driver may nangloloko na sa kanya.Dahil walang nakakapansin sa ginagawa ni pilo kaya nakatuwaan niya na hilahin uli ang lubid,at tumigil uli ang bus.Lumingon ang driver at sumigaw na "MAY BABABA BA??????Nagtinginan ang mga pasahero at sabay sabi:Wala naman ah.Kaya galit na galit ang driver at sabi:Kung sino man ang manlolokong ito,subukan niya uli at tatamaan na siya sa akin.Kinabahan si pilo kaya tumahimik na siya.Subalit
malapit na ang bahay na kanyang tinutuluyan,natatanaw niya na sa unahan,ngunit natatakot na siyang hilahin ang lubid at baka maupakan siya ng driver.Kaya sinabi na lang niya sabay turo sa bahay:"Ayan na ang bahay
namin,ayan na ang bahay namin"

What do you think ?

Related