question and answer

Q: Sino ang unang arkitekto?
A: Si Eba, kasi siya ang unang nagpatayo.

Q: Sino ang unang estudyante?
A: Si Adan, kasi siya ang unang pumasok.

Q: Paano gumawa ng gloves sa China?
A: Sinasawsaw ng mga Intsik ang kanilang mga kamay sa latex, maglalakad-lakad hanggang matuyo at aalisin nila, pagkatapos ay gloves na.

Q: Paano sila gumawa ng condom?
A: Ganoon din.

Q: Anong sasabihin mo kapag may nakasalubong ka ng isang multong may tatlong ulo?
A: Magandang gabi, magandang gabi, magandang gabi.

Q: Anong English word ang nag-uumpisa sa F at nagtatapos sa K at parang pagkain na rin ang iisipin mo?
A: Fork, ano pa ba?

Q: Ano ang pagkakatulad ng sex at insurance?
A: Habang tumatanda ka, tumataas ang presyo

Q: Bakit mas matataba ang mga may asawang lalaki kaysa sa mga
walang asawang lalaki?
A: Kasi ang mga walang asawang lalaki, pag-uwi, titingnan ang laman ng ref niya at kapag walang nakita, humihiga na lang sa kama para matulog. Ang may asawa, pag-uwi, titingnan ang kama at makikita ang misis nila, pumupunta na lang sa kusina para buksan ang ref nila.

Q: Ano ang pagkakatulad ni Winnie the Pooh at John the Baptist?
A: Iisa ang ina nila. Kita mo, iisa ang middle name nila.

Q: What’s the difference between a kiss, a car, and a monkey?
A: A kiss is so dear, a car is too dear, a monkey is you my dear.

Q: Bakit naman shy ang toes?
A: Kasi "foot-ang-ina" niya.

What do you think ?

Related