Hayop na Studyante

Dear Anak,

Naipadala na namin ‘yung P50,000 na pamabayad sa tuition mo sa second sem. Ipinagbili na ‘yung kalabaw natin. Ang mahal pala ng Counter Strike na kurso! Wala na rin tayong baboy, naipagbili na rin namin para sa sinasabi mong project, ‘ yung Nokia N75. Anak ang mahal naman ng project mo!
Kasama na sa ipinadala namin ‘yung baon mo para sa field trip sa Mall of Asia. Malayo ba ‘yun? Bakit ang mahal din? Isinanla na namin ‘yung palayan para mabili na ‘yung instrumento mong Video iPod. Napailaw n’yo na ba ‘yung pinagpupuyatan ninyong San Mig Lights? Sana mag-graduate ka na at nang makaraos tayo sa hirap at mabayaran ang mga utang at mabawi ang bukirin natin.

Love,
Tay & Nay

What do you think ?

Related