Dear Son

DEAR SON,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal ka din magbasa.
Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili nating bahay pero
hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng lintek na bobong dating nakatira
ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address saan man sila lilipat.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila.
Dalawang beses lang umulan sa linggong ito,
tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad na nabili kong shampoo dahil ayaw bumula.
Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag
ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako. Sobra din kabobo yong damuhong nagtintinda.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas
ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw
ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako dun sa nagbenta ng bahay,
akala nila ay hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang Jacket at tiyak na
magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil
mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang
mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating
diyan. Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon
siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit sila ngayon ng damo sa
Memorial Park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha? Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Love,
Papa
P.S. Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta
ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor

What do you think ?

Related