Ang Barbero At Amerikano

Isang amerikano ang pumasok sa barberya ni Juan para mag pagupit.Natuwa siya dahil kikita rin siya sa wakas
dahil wala
siyang kostumer sa buong mag hapon,ngunit sa malas hindi siya marunong mag english.Ang ginawa niya nag senyas na lang sa amerikano na maupo na.Naunawaan naman ng amerikano si Juan.Habang nag gugupit,wala silang imikan na nauunawaan naman ng amerikano.panay lang ang ngiti niya kay Juan na parang ibig sabihin
nagugustuhan niya ang gupit ni juan.Ang problema ngayon ni juan ay kung paano sasabihin na tapos na ang pag gupit at aahitan na lamang ng labaha.So ang ginawa
niya,kinuha ang labaha at nag senyas na hahasain at aahitan na siya.Tumango naman ang amerikano.Habang nag hahasa si Juan panay ang isip kung anong sasabihi sa amerikano na ito na ang huli ang pag ahit.isip…..,
isip…..isip….sa wakas may naisip na siya at lumabas na dala dala ang nangingintab na labaha at nakangiting sinabi sa amerikano "This is your the end"
Nagulat ang amerikano at biglang kumaripas ng takbo.

What do you think ?

Related