Tan-ga

Isang araw may dalawang magkaibigang nag-uusap…
BERTO: Pare may itatanong ako sa iyo.
OTREB: Ano iyon pare
BERTO: Halimbawa may isang palapag na building, ang kulay sa labas ay itim, ang kulay sa loob ay itim din, ang kulay naman ng pinto at bintana ay puti, at lahat ng kagamitan sa loob ng building ay kulay pula, ano sa tingin mo ang kulay ng hagdan?
OTREB: Pare diyan ako magaling sa mga kulay hindi mo naitatanong eh dati akong nagta-trabaho sa tindahan ng mga pintura, eh kamo sa labas ay itim, sa loob ay itim din, at ang pinto at bintana ay puti at ang lahat ng gamit ay pula, Siyempre ang kulay ng hagdan niya eh kulay hangin.
BERTO: Pare tanga ka pala eh isang palapag lang ang building kaya walang hagdanan.
OTREB: Eh pare mas tanga ka pala eh! wala namang kulay ang hangin eh bugok….

What do you think ?

Related