Diskarteng malupet!!! Tips sa natataeng driver!

Isang araw, merong isang tsuper ang natatae, at sobrang nauutot na! Kaso di sya makautot kasi meron syang pasahero, baka marinig nila, nakakahiya…

Ang ginawa nya, naghanap sya ng kalsadang maraming "humps" para sa tuwing dadaan sya sa hump, sasabayan nya ng utot para di halatang umuutot sya hehehe… lupet ng diskarte!

Sa unang hump, walang reaction yung mga pasahero… Parang wala lang.

Sa pangalawang hump, wala pa ring reaction yung mga pasahero.. Tuloy pa rin sa kwentuhan.. Galing talaga sa timing ng tsuper!

Sa pangatlong hump minalas! Dahil sa utot na utot na sya, sablay ang timing sa hump! Nauna yung utot bago pa man makadaan ng hump…

Yung mga pasahero syempre nag-react!!!
Ang sabi, " AYYY, DI SABAY?! "

nyahahaha! ako lang yata natawa sa kwento ko?

What do you think ?

Related