iQ teSt ulI..

Q: Ano ang pagkakatulad ng sex at insurance?

A: Habang tumatanda ka, tumataas ang presyo.

Q: Ano ang sinabi ni Satanas nang ipanganak AKO?

A: "Lintek! Isa na namang anghel ang ipinanganak."

Q: Ano naman ang sinabi niya nang ipanganak KA?

A: "Oh, no! Hindi puwede ito! Ayoko pang mag-retire!"

Q: Ano ang sabi ng bangus nang mamamatay na siya?

A: I’m daing!

Q: Ano ang sabi ng isda nang hiwain siya sa gitna?

A: I’m tuna (two na).

Q: Bakit mas matataba ang mga may asawang lalaki kaysa sa mga walang asawang lalaki?

A: Kasi ang mga walang asawang lalaki, pag-uwi, titingnan ang laman ng ref niya at kapag walang nakita, humihiga na lang sa kama para matulog. Ang may asawa, pag-uwi, titingnan ang kama at makikita ang misis nila, pumupunta na lang sa kusina para buksan ang ref nila.

Q: Ano ang pinagkaiba ng lalaking tumataya sa lotto at ang lalaking nakikipag-away sa misis niya.

A: Mas malaki ang tsansa ng lalaking manalo sa lotto kaysa sa pakikipag-away sa misis niya.

smile naman dyan!

What do you think ?

Related