Addition

Sa isang classroom

Teacher: Bonang…kung may dalawa kang bayabas at bibigyan kita ng limang bayabas pa. Ilan ang magiging ilan ang mga bayabas mo?
Bonang : Pito po Maam.
Teacher : Tama
Teacher : Ikaw naman Teban. Kung may lima kang baboy at binigyan ka ng isa pang baboy ng Nanay mo, magiging ilan ang mga baboy mo?
Teban : Anim po Maam.
Teacher: Tama
Teacher : O ikaw naman Prokopyo.. kung may tatlo kang rabbit at bibigyan kita ng dalawang rabbit pa, ilan ang magiging mga rabbit mo?
Prokopyo : Anim po Maam.
Teacher : Inulit ang tanong.
Prokopyo : Anim nga po Maam
Teacher : Ang hina hina naman ng utak mo. Paano mangyayari yon?@##$%^^&&&& (Galit na ang teacher)
O sige…ilan ang tatlong candy at 2 candy?
Prokopyo : Lima po Maam.
Teacher: Tama
Teacher : E kung may dalawa kang rabbit at bibigyan pa kita ng tatlong rabbit, bale magiging ilan ang mga rabbit mo?
Propkopyo : Anim po Maam
Teacher : Paano nangyari yon?
Prokopyo : Kasi po Maam, may isang rabbit na po ako sa amin kaya magiging anim na ang mga rabbit ko.

Dahil naisahan…hinimatay si Teaher…tama nga naman si Prokopyo… he..he..he…)

What do you think ?

Related