Pilipinas noon at ngayon

Pilipinas NOON At NGAYON.

NOON kapag nakakita ang mga tao ng magnanakaw, ganito ang sigaw ng mga tao,
Tao: Tumawag kayo ng Pulis, may magnanakaw!!..

NGAYON kapag nakakita ang mga tao ng Pulis, ganito ang sigaw,
Tao: Magnanakaw!!.., magnanakaw!!, ingat kayo.

NOON kapag panahon ng Election, ganito ang sigaw ng mga tao,
Tao: Election nanaman, pumili tayo ng karapat dapat para sa bayan.

NGAYON kapag panahon ng Election, ganito ang sigaw ng mga tao,
Tao: Election nanaman, pipili nanaman tayo ng mga bagong magnanakaw.

NOON: Buti ka pa ang Tatay mo ay sa Goberyerno nagtatrabaho.

NGAYON: Buti ka pa ang Tatay mo ay malakas makanakaw sa Gobyerno.

NOON: Pulis ang tatay ko kaya hindi kami kumakain ng galing sa pagnanakaw.

NGAYON: Pulis pala ang tatay mo kaya puro delihensya at pinagnakawan kinakain nyo.

NOON: Holdaper ito, ibigay mo sa akin ang lahat ng pera mo.

NGAYON: Holdaper ka, Pulis naman ako kaya hati tayo sa lahat ng perang na hold up mo!

NOON: Mga kababayan,iboto natin si Juan Dela Cruz dahil siya ay isang mahusay na Abogado at Pulitiko.

NGAYON: Mga kababayan,iboto natin si Juan Dela Cruz dahil siya ay isang mahusay na Artista at pogi pa.

NOON: Bayang magiliw perlas ng Silangan.

NGAYON: Bayang pinagnanakawan ng mga Pulitiko sa Silangan.

What do you think ?

Related