Mabuhay!

Lumubog ang barkong sinasakyan ng mga miyembro ng united nations for peace sakay ang mga representatives ng mga bansa tulad ng pilipinas, china, spain, japan at america.

Isang lifeboat na lang ang natitira at sabay sabay silang nakasampa dito.

Kailangang isa lamang ang matira sa sasakyan upang manatili itong nakalutang at pagkakataon na ng bawat delegado na maipakita ang kanilang pagkabayani sa mga ganitong sitwasyon..

"Long live America!" sigaw ng kano sabay talon sa tubig at kumakaway pang nagpakalunod sa gitna ng dagat.

"Tunay na bayani ang ating kaibigang amerikano", wika ng bawat isa.

"Bansai! Japanese!" sigaw naman ng Hapon at tumalon din sa tubig…

Naiyak ang ibang naiwan sa balsa…

"Viva! EspaƱa!" at ang kastila naman ang tumalon…

Nagkatinginan ang dalawang naiiwan sa balsa. Hindi maunawaan ni Juan ang ibinubulong ng instsik ngunit alam niyang pagkakataon na niya ngayon, upang ibangon ang nalugmok na puri ng Pilipino sa mata ng ibang bansa.

Humugot ng malalim na hininga ang ating kababayan at sumigaw ng: "Mabuhay ang Pilipino!"

– sabay tulak sa intsik –

(Ano ‘ko, bale? Malunod pa ko jan)

What do you think ?

Related