wag kang aalon

nang mamatay si mokong sinalubong agad sya ni san pedro sa pintuan ng langit..

san pedro: mokong dahil naging mabait ka noong nabubuhay ka pa sa lupa bibigyan kita ng pagkakataon para pumili ng iyong patutunguhan.narito ang tatlong pinto pumili ka ng isa at ikaw ay pumasok doon.

mokong:salamat po san pedro…

agad na lumapit si mokong sa unang pinto..inilapit nya ang kanyang tenga at sya’y nagulat sa kanyang narinig.

mokong:ayoko po jan san pedyo..malungkot po sa loob nyan narinig ko po kasi na may mga nag iiyakan..malungkot po sigurado jan..

san pedro: o sige lumipat naman tayo sa pangalawang pinto.

at ganun din nga ang ginawa ni mokong.agad nyang inilapit ang kanyang tenga sa pangalang pinto.subalit agad din syang lumayo dito.at ang sabi

mokong:waaa..ayoko po jan san pedyo!!nakakatakot po jan..marami akong naririnig na mga sumisigaw..ayoko po talaga jan..

san pedro: o sige lumipat naman tayo sa pangatlong pinto.

nagmamadaling lumipat si mokong sa pangatlong pinto.inilapit nyang mabuti ang kanyang tenga sa pinto at agad syang napangiti..

mokong:san pedro dito!dito ko po gustong pumasok!!may mga nag aawitan po sa loob mukang masaya jan..hehehe

san pedro:sigurado ka na ba na yan ang gusto mo?

mokong:opo!siguradong sigurado na po ako.

san pedro:o sige buksan mo ang pinto at pumasok ka na jan.

excited na nagmamadali at masayang masaya si mokong na pumasok sa pangatlong pinto.ang isip nya kasi ay napaka swerte nya dahil tama ang napili nyang pinto.subalit ang kanyang dinatnan sa loob ay mga kaluluwa na nakalubog sa tae na hanggang baba o malapit na sa labi ang taas at sabay sabay na kumakanta ng..

wag kang aalon wag kang aalon (to the tune of lacocoracha)

What do you think ?

Related