Transplant

Isang araw, nagpakunsulta si Pedro sa doktor dahil sa problema niya sa pagsasalita (stuttering).

Pedro: D-d-d-o-c, t-t-ul-l-unga-a-n nin-nin-yo ak-k-k-o sas-sa p-prob-b-le-lem-m-ma k-ko. Nah-h-hi-hi-ra-ra-p-p-an p-po ak-k-o sas-sa sit-sitwa-s-s-syon k-ko.

Doctor: Sige, tignan natin ang magagawa ko.

Napasailalim ng pagkarami-raming eksaminasyon si Pedro at pagkatapos ng tatlong araw, pinabalik ng doktor si Pedro sa kanyang opisina.

Doctor: Pedro, alam ko na kung bakit nahihirapan ka sa iyong pagsasalita.

Pedro: A-a-ano p-po a-ang p-prob-b-ble-ble-ma d-d-ok-t-t-or?

Doctor: Nakita ko na masyadong mahaba ang iyong ari at naisip ko na sumailalim ka sa isang "penis transplant". Papalitan natin ang iyong ari ng mas maikling ari!

Pedro: S-s-ig-e p-po d-d-ok-t-t-or, g-ga-w-win p-po ni-nin-yo a-ang la-la-lah-at p-pa-pa-ra gu-gu-guma-gumaling a-ang pag-pag-sas-sa-sali-li-t-ta k-ko.

Samakatuwid, sumailalim si Pedro sa kanyang "penis transplant" at naging mabuti ang kinahitnatnan. Pagkatapos ng tatlong buwan, muling bumalik si Pedro sa doktor.

Pedro: Doktor, masaya ako sa naging resulta ng operasyon ko. Diretso na po ang aking pananalita pero ang misis ko po dok, hindi masaya. Hindi na po gaya ng dati ang pagsasama namin at madalas, iniiwasan na po niya na magtalik kami. Maari bang ibalik na lang ninyo yung dati kong ari?

Doctor: Hi-hi-hin-di n-na p-pu-we-de. K-kon-kon-tra-tra-ta y-yon!

What do you think ?

Related