Selosang Trixie

Si Trixie ay seloso at palaging tsine – check ang kanyang babaerong mister tuwing uuwing galing ng opisina.

Isang araw galing sa klub si mister…

TRIXIE: Ano ka ba naman tingnan mo itong polo mo may buhok na kulay blonde, siguro Americana ang ka-table mo ano.. Hudas!

MISTER: Hindi kumain lang ako ng mais at nadikit yung buhok (palusot lang)

Kinabukasan…

TRIXIE: Ano ba naman kahapon blonde ngayon kulot naman… walanghiya ka talaga..

MISTER: (palusot uli) hindi nadikit lang nanghiram lang ako ng suklay sa kumare mong kulot sa opisina kanina. (lusot ulit)

Kinabukasan talagang sobrang pagiingat ang ginawa ni lalaki upang hindi na mabisto, pinagpag muna niya ang damit bago umuwi…

TRIXIE: Walanghiya ka talaga pati kalbo pinapatulan mo na ngayon!!!

What do you think ?

Related